NCR, ilang lugar sa Luzon makararanas pa rin ng pag-ulan

By Angellic Jordan October 12, 2020 - 01:32 PM

Asahang makararanas pa rin ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lugar sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 12:49 ng tanghali, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Metro Manila, Nueva Ecija, Pampanga at Rizal.

Maaapektuhan din ang Bulacan partikular sa Doña Remedios Trinidad, San Miguel at Norzagaray; Cavite sa Magallanes, Naic, Maragondon, Tanza at Trece Martires; Batangas sa Taal at Santa Teresita; Quezon sa Sampaloc; at sa Cavinti, Laguna.

Uulanin din ang Cabangan, Iba, Palauig, Candelaria at Santa Cruz sa Zambales.

Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

TAGS: breaking news, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, thunderstorm advisory, weather update October 12, breaking news, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, thunderstorm advisory, weather update October 12

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.