Ito ay kasunod ng sesyon ng mga kongresista sa Quezon City Sports Club.
Sa botong 186 na botong YES naluklok si Velasco bilang lider ng Kamara.
151 na boto lamang ng mga kongresista ang kailangan para maluklok ang bagong pinuno ng Mababang Kapulungan.
Nauwi sa kudeta ang speakership ni Cayetano matapos nitong maagang ipasuspinde ang sesyon ng Kamara noong nakalipas na linggo habang nasa kalagitnaan ng debate sa panukalang P4.5 trillion 2021 national budget.
sharing agreement sa pagitan nina Cayetano at Velasco na matatapos ngayong Oktubre.
Sa naging pulong sa Malakanyang ilang linggo na ang nakalipas sinasabing napagkasunduan sa harap mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na mauupo si Velasco sa October 14 bilang speaker pero dahil sa pagsunpinde ng sesyon ng maaga ay naunsyami ito.