Motorcycle taxis dapat payagan ng muling makabiyahe hirit ni Sen. Ralph Recto

By Jan Escosio October 12, 2020 - 12:46 PM

Hiniling ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa gobyerno na payagan nang muling makabiyahe ang motorcycle taxis para magkaroon muli ng ikabubuhay ang libu-libong rider.

Ayon kay Recto, kapag ginawa ito ng gobyerno walang gagastusin kahit na isang sentimo ngunit marami ang muling magkaka-trabaho.

Maari din na maalis ang mga motorcycle taxi rider sa mga listahan ng bininibigyan ng ayuda dahil makakabalik na sila sa trabaho.

Ngunit diin ni Recto papayagan lang dapat maka-biyahe muli ang motorcycle taxis kung makakasunod sila ipinatutupad na health and safety standards at aniya kung kakailanganin dapat ay gawin mandatory ang barrier, mask at face shields gayundin ang disinfected safety helmets.

Kailangan lang aniya ianunsiyo ng health experts na magiging ligtas ang rider at pasahero kung may barrier sa kanilang pagitan o sapat na ang mask, shield at helmet.

Naniniwala din ang senador na kapag balik operasyon na ang motorcycle taxis may dagdag opsyon na sa pampublikong transportasyon ang mga nakabalik na sa kani-kanilang trabaho.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, mass transportation, Motorcycle Taxis, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senator Ralph Recto, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, mass transportation, Motorcycle Taxis, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senator Ralph Recto, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.