Deployment ng PNP-SAF sa bisinidad ng Batasan Pambansa itinanggi

 

Hindi nagpatawag ng mga tauhan ng PNP- Special Action Force ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito ang sinabi ni House SecGen. Atty. Jose Luis Montales kasunod ng pagdating ng mga trucks ng PNP-SAF sa bisinidad ng Batasan Complex sa gitna na rin ng mainit na usapin sa Speakership.

Hindi umano niya alam na may mga nakapuwesto na SAF sa labas ng Batasan.
Ang nasabing mga trucks ng PNP-SAF ay naka-park sa harap ng QCPD Station 6 na tapat lamang ng Batasan Complex.

 

 

 

 

 

Read more...