Bagyong Nika napanatili ang lakas; palabas na ng bansa ngayong araw
Napanatili ng tropical depression Nika ang lakas nito at nakatakda na ring lumabas ng bansa ngayong araw.
Ang bagyo ay huling namataan sa layong 340 kilometers West ng Sinait, Ilocos Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.
Ang pinagsanib na pwersa ng bagyong Nika at ng Habagat ay patuloy na maghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Pangasinan, Zambales, Bataan, Northern Palawan kabilang ang Calamian at Kalayaan Islands, at sa Lubang Island.
Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at nalalabing bahagi ng Central Luzon.
Batay sa kasalukuyang forecast track ng bagyo tatama ito sa kalupaan ng Hainan Province sa southern China sa araw ng Miyerkules.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.