Ayon kay LRT Authority Spokesman Atty. Hernando Cabrera, sa March 23 pa lamang na Miyerkules Santo ay maaga nang tatapusin ang operasyon ng LRT-2.
Ang huling biyahe mula sa Santolan station ay aalis ng alas 8:00 ng gabi at ang huling biyahe mula Recto station ay aalis naman ng alas 8:30 ng gabi.
Simula sa March 24, Huwebes Santo hanggang sa March 27, Easter Sunday, tigil operasyon muna ang LRT-2.
Ang nasabing mga petsa ay sasamantalahin naman ng pamunuan ng LRTA para maisailalim sa pagsasaayos ang mga tren.
Sa March 28 ay balik normal na ang operasyon ng LRT-2.
MOST READ
LATEST STORIES