Mga kongresista nagsasagawa ng sesyon sa Quezon City

By Erwin Aguilon October 12, 2020 - 10:51 AM

Nagsasagawa ngayon ng sesyon sa Celebrity Sports Plaza sa lungsod ng Quezon ang mga kongresta na kaalyado ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco upang ideklarang bakante ang puwesto ng House Speaker.

Ayon kay House Committee on Ways and Means at Albay Rep. Joey Salceda nasa 187 na ang bilang ng mga kongresista na nagpahayag ng suporta kay Velasco upang maging speaker kapalit ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Sa 187 anya na nagpahayag ng suporta kay Velasco, 167 na ang nakalagda sa manifesto.

Naniniwala rin si Salceda na “will ng majority” ng pagdaraos ng sesyon sa labas ng Batasang Pambansa dahil nagawa na rin ito ngayong taon sa lalawigan ng Batangas.

Iginiit din nito na igagalang ng Malakanyang at kikilalanin ang pagiging speaker ni Velasco bilang ito ang pasya ng nakararami at hiwalay na branch sila ng gobyerno.

Samantala, sinabi naman ni House Sgt. At Arms Ramon Apolinario na nasa kanyang pangangalaga ang mace ng Kamara na kailangan para magong official ang sesyon ng mga kongresista.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, quezon city, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, quezon city, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.