2020 NBA Championship nakuha ng Los Angeles Lakers

Nakuha ng Los Angeles Lakers ang kampeonato sa 2020 NBA Finals.

Ito ay makaraang talunin ng Lakers sa Game 6 ng NBA Finals ang Miami Heat sa score na 106 – 93.

Sa umpisa pa lang ng laban ay naging mahirap na para sa Heat dahil tinambakan agad ito ng Lakers.

Itinuturing na makasaysayan ang pagkakapanalong ito ng Lakers dahil sampung taon na mula nang huli silang mag-champion sa NBA.

Ito na ang ika-17 titulo ng koponang Lakers sa NBA Championship.

Nakapagtala si LeBron James ng triple-double sa laban.

 

 

 

Read more...