LRT management, nag-sorry sa pag-andar ng coach habang bukas ang pinto

lrt sorryHumingi ng paumanhin ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) 1 sa pag-andar ng isa nilang tren habang may nakabukas na pinto ng isa sa mga coach.

Ang insidente ay naganap alas 6:00 ng gabi kagabi (March 10) sa bahagi ng Central station at U.N. Avenue station.

Ayon sa pahayag ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) sa kanilang official twitter account, nananatili ang kanilang safety policy na walang tren na pwedeng umalis sa istasyon o depot kung may sira sa pinto ng coach nito.

“Light Rail Manila Corporation (LRMC) has a safety policy that no train with a door fault should leave the station or the depot. We apologize to the passengers who were on board the said train,” ayon sa pahayag ng LRMC.

Tiniyak din ng LRMC na magtutulong-tulong ang kanilang engineering at safety teams para imbestigahan ang insidente at para matiyak na ito ay hindi na mauulit.

// ]]>

So ayun nga, dumating kami sa U.N. station. nadagdagan ng passengers, mas sikisikan, syempre mas iba na ang Intensity…

Posted by James Cubelo on Thursday, March 10, 2016

So ayun nga, dumating kami sa U.N. station. nadagdagan ng passengers, mas sikisikan, syempre mas iba na ang Intensity…

Posted by James Cubelo on Thursday, March 10, 2016

Read more...