Heavy rainfall warning nakataas pa rin sa Zambales
Nananatiling nakataas ang heavy rainfall warning ng PAGASA sa lalawigan ng Zambales.
Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong Lunes, October 12, yellow rainfall warning ang umiiral sa Zambales.
Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Bulacan, Cavite at Batangas sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.
Habang mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang umiiral na sa Tarlac, Bataang at Pampanga.
Ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng bagyong Nika at ng Habagat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.