Pagbiyahe ng mga Pinoy palabas ng bansa para makasama ang mga dayuhang partner, approved in principle na ng IATF

By Chona Yu October 12, 2020 - 08:42 AM

Magandang balita para sa mga Filipino na gusto nang makaalis ng bansa.

Ito ay dahil sa approved in principle na ng Inter-Agency Task Force na luwagan anng outbound travel restriction sa mga Filipino na gusto nang makasama ang kanilang mga dayuhang partner o mahal sa buhay.

Ayon kay IATF co-chairman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, inaayos na lamang ang detalye para sa pagluluwag sa travel restrictions.

Nakikipag-ugnayan na lamang ngayon ang IATF sa Department of Foreign Affairs, Bureau of Immigration, mga airline company at mga host country para masiguro na masusunod ang testing at health protocols.

Kailangan aniyang masiguro na hindi nagpapadala ang Pilipinas ng mga Pinoy na positibo sa COVID-19.

Kaunting pasensya na lamang aniya at inaayos pa ng IATF ang mga maliliit na detalye.

Nakikinig naman aniya ang pamahalaan sa hinaing ng taong bayan.

Kaya aniya maingat ang IATF sa paglalabas ng abiso para masiguro na hindi magkakagulo ang mga Pinoy na gusto nang lumabas ng Pilipinas.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, IATF, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, IATF, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.