U-turn slot sa EDSA sa harap ng Quezon City Academy sarado na sa mga motorista
By Dona Dominguez-Cargullo October 12, 2020 - 08:17 AM
Isinara na simula kaninang (Oct. 12) madaling araw ang U-turn slot sa EDSA na nasa tapat ng Quezon City Academy.
Ayon sa MMDA, maaring dumaan ang mga motorista sa alternate route sa Muñoz LRT Station U-turn slot sa harap ng Panorama Building para sa parehong northbound at southbound.
Ang pagsasara sa mga U-turn slot sa kahabaan ng EDSA ay bahagi ng patuloy na pagpapabuti at pagpapabilis ng biyahe sa EDSA Carousel Bus Routes.
Hiniling ng MMDA ang kooperasyon at pang-unawa ng mga motorista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.