Danny Green ng Lakers tumanggap ng death threat matapos ang sablay na tira sa game 5

Nakatatanggap na ng banta sa buhay si Lakers guard Danny Green matapos ang sablay na tira sa Game 5 ng NBA Finals.

Ayon kay Green, siya at ang kaniyang fiance ay kapwa nakatanggap ng death threat.

Sinabi ni Green na hindi naman siya nabahala at hindi rin niya ikinatatakot ang banta.

Hindi rin niya pinapansin ang mga opinyon ng fans na sa kaniya ibinabato ang sisi sa pagkatalo ng Lakers sa game 5.

Sa nalalabing 7.1 seconds sa game 5 ay hindi nai-shoot ni green ang wide-open 3-pointer.

 

 

 

Read more...