BI inihahanda na ang deportation case laban sa naarestong babaeng Indonesian bomber

By Dona Dominguez-Cargullo October 12, 2020 - 06:21 AM

Inihahanda na ng Bureau of Immigration ang deportation case laban sa babaeng Indonesian suicide bomber na sangkot sa pagpapasabog sa Jolo, Sulu.

Ang dayuhan na si Resky Fantasya Rullie aylas Cici ay naaresto ng mga tauhan ng 11th Infantry Division ng Philippine Army, Criminal Investigation and Detection Group 9, National Intelligence Coordinating Agency 9 at Bureau of Immigration.

Siya ay asawa ng napatay na si Abu Sayyaf Group (ASG) sub-leader Andi Baso at anak ng Indonesian couple na sangkot sa January 2019 twin suicide bombing sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo.

Ayon kay BI Intelligence Mindanao Task Group (MITG) head Melody Gonzales, si Rullie ay isinailalim sa dalawang buwang surveillance at natuklasang sangkot ito sa pagpaplano ng pagpapasabog sa Sulu.

Kasama ring naaresto sina Inda Nhur at Fatima Sandra Jimlani Jama na kapwa din asawa ng matataas na opisyal ng Abu Sayyaf.

Sinabi ni Gonzales na may mga nakumpiskang suicide vest, bomba, at iba pang improvised explosive device mula sa tatlo.

Haharapin muna ni Rullie ang mga kasong kriminal bago umusad ang deportation proceedings laban sa kaniya.

 

 

 

TAGS: BI, Indonesian bomber, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Resky Fantasya Rullie, suicide bombing, Tagalog breaking news, tagalog news website, BI, Indonesian bomber, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Resky Fantasya Rullie, suicide bombing, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.