Sipalay, Negros Occidental niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Negros Occidental.

Ayon sa Phivolcs ang pagyanig ay naitala sa layong 21 kilometers northwest ng Sipalay alas 5:38 ng umaga ngayong Lunes, Oct. 12.

May lalim na 17 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.

Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. (END)

 

 

 

Read more...