Bilang ng mga napauwing Overseas Filipinos mula noong Pebrero umabot na sa 213,942
Umabot na sa 213,942 ang napauwing Overseas Filipinos ng Department of Foreign Affairs (DFA) simula nang magkaroon ng pandemya ng COVID-19.
Sa datos ng DFA, nitong nagdaang linggo umabot sa 9,461 ang dagdag na mga overseas Filipinos ang nakauwi sa bansa.
Dahil dito simula noong Pebrero ay 213,942 na ang mga nakauwing Pinoy.
Sa nasabing bilang, 71,998 (33.65%) ay pawang sea-based habang 141,944 (66.35%) ang land-based.
Pinakamarami sa mga umuwing Pinoy ay mula sa Middle East na umabot na sa 8,110.
Mahigit 6,000 dito ay mula sa Saudi Arabia at UAE.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.