Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (October 11, 3:00 PM) nakapagtala ng 490 na bagong kaso kaya pumalo na sa 43,893 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 11,635
Laguna – 13,417
Batangas – 7,896
Rizal – 8,435
Quezon – 2,510
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 14,961.
Nasa 27,921 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 608 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 6,455
Laguna – 9,949
Batangas – 5,346
Rizal – 4,815
Quezon – 1,356
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 14 kaya umabot na sa 1,011 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 250
Laguna – 228
Batangas – 196
Rizal – 262
Quezon – 75
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay