Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, 6,408 na

By Mary Rose Cabrales October 12, 2020 - 04:50 AM

Nadagdagan pa ang bilang na kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa huling datos mula sa PNP (Linggo, October 11, 6PM) 6,408 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.

Sa nasabing bilang ay mayroong 5,633 na pulis na nakarecover o gumaling na sa sakit kung saan nakapagtala ng 69 na bagong recoveries.

Ang COVID-19 active cases naman ay 755.

Samantala, ang COVID-19 related deaths ay nanatili sa 20.

Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.

TAGS: coronavirus, COVID-19, Health, PNP, Pulis, coronavirus, COVID-19, Health, PNP, Pulis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.