Aabot sa P70 milyong halaga ng peke at ilegal na sigarilyo ang sinira ng Bureau of Customs (BOC) sa Porac, Pampanga.
Nabatid na nakalagay sa dalawang 40 containers ang nakumpiskang sigarilyo.
Katuwang ng BOC ang Manila International Container Port.
Ayon kay BOC Commissioner Rey Guerrero, paiigtingin pa ng kanilang hanay ang operasyon sa mga pekeng produkto para masiguro ang kaligtasan ng mga mamimili.
Hindi naman tinukoy bg BOC kung sino ang may-ari ng mga pekeng sigarilyo.
Nabatid na paglabag sa Section 117 in relation to Section 1113 ng Republic Act (RA) No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ang kakaharaping kaso ng may-ari ng mga pekeng sigarilyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.