Ilang bahagi ng NCR, Central Luzon, CALABARZON patuloy na uulanin

Makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa bahagi ng Central Luzon at CALABARZON.

Sa rainfall advisory ng PAGASA bandang 11:00 ng umaga, ito ay bunsod ng umiiral na low pressure area (LPA) at Southwest Monsoon o Habagat.

Sinabi ng weather bureau na asahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Pampanga, Cavite, Laguna at Batangas.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan din na may occasional heavy rains sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Bulacan, Rizal at Quezon.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...