Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, pumalo na sa 37.46 milyon

Umabot na sa mahigit 37.46 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 37,467,892 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 7,945,505 cases.

Sumunod na rito ang India na may 7,051,543 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 5,091,840 naman ang kaso sa Brazil habang 1,285,084 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Colombia – 902,747
– Spain – 890,367
– Argentina – 883,882
– Peru – 846,088
– Mexico – 814,328
–  France – 718,873
– South Africa – 690,896
– United Kingdom – 590,844
– Iran – 496,253
– Chile – 479,595
– Iraq – 400,124

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 1,077,495 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 28,112,547 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...