DENR, handang makipagtulungan sa UP-MSI para mapaganda pa ang Manila rehab

By Chona Yu October 11, 2020 - 11:34 AM

Nakahanda ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na makipagtulungan sa University of the Philippines-Marine Science Institute (UP-MSI) para mapaganda pa ang rehabilitasyon sa Manila Bay.

Pahayag ito ng DENR matapos punahin ng UP-MSI ang paglagay ng white sand na dolomite sa Manila Bay.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, makikipagtulungan ang kanilang hanay sa UP-MSI bastat siguraduhin lamang na libre ang kanilang iaalok na serbisyo.

“Our office is open for them and I myself will offer to them one of my tables, at least, be sure that it (consultation) will be free,” pahayag ni Antiporda.

Hindi aniya makikipag-ugnayan ang DENR kung sisingilin sila ng mahal na professional fee ng UP-MSI.

“We are seeking for your immediate assistance on this matter.  But if it needs a big amount of money, the funds of the people, I’m sorry but our experts are enough,” pahayag ni Antiporda.

May mga eksperto na aniya ang DENR gaya na lamang ng marine scientists, biologists at geologists na aktibong nagtatrabaho sa rehabilitasyon sa Manila Bay.

Maging si DENR Secretary at Manila Bay Task Force chief Roy Cimatu ay hindi lamang isang sundalo at piloto kundi isa ring engineer.

Ayon kay Antiporda, sa pagkakaalam at karanasan ng DENR, mahal ang pagbabayad ng serbisyo sa UP experts taliwas sa akala ng taong bayan na libre ang kanilang serbisyo.

“Every time we consult them (UP experts), we pay them so much money and people don’t know that,” pahayag ni Antiporda.

TAGS: DENR, Inquirer News, Manila Bay rehab, Radyo Inquirer news, UP-MSI, Usec. Benny Antiporda, DENR, Inquirer News, Manila Bay rehab, Radyo Inquirer news, UP-MSI, Usec. Benny Antiporda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.