3-anyos, 3 kapamilya minasaker sa North Cotabato

By Jan Escosio October 10, 2020 - 10:34 PM

Kabilang ang isang tatlong-taon gulang na babae sa apat na miyembro ng pamilya na minasaker ng mga armadong lalaki sa Pikit, North Cotabato, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Alipolo Abdullah, 58; Zenaida Mustapha, 36; Laga Abdullah, 34; at ang batang babae.

Bukod sa kanila sugatan din ang apat pang miyembro ng pamilya na sina Asria Abduljarak Abdullah, 30 at mga bata na may edad 13, walo at pito.

Nabatid na nagpapahinga ang mga biktima dahil katatapos lang ng kanilang tanghalian nang paulanan ng mga bala ang kanilang bahay sa Sitio Tugunan sa Barangay Lagunde.

Base sa mga basyo ng bala na nakuha sa lugar, gumamit ang mga salarin ng M-16 Armalite rifles.

Pinaniniwalaan na personal na away ang motibo sa pamamasaker at tinutugis na ang mga salarin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.