Mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City, 17,124 na

Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 20,538 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Sabado ng umaga (October 10).

Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 2,835 o katumbas ng 14 porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

17,124 total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 579 o tatlong porsyento ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 19,089 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

Read more...