Pangulong Duterte nagpatawag ng special session sa Kongreso
Nagpatawag ng special session sa Kongreso si Pangulong Rodrigo Duterte para matiyak na hindi magkakaroon ng delay sa pagpasa ng budget.
Sa nilagdaang Proclamation No. 1027 ng pangulo, ipinatawag nito ang special session ng Kongreso sa October 13 hanggang 16.
Nakasaad sa proklamasyon ng pangulo na dapat magresume sa deliberasyon ang Kongreso para sa panukalang 2021 national budget.
“President Rodrigo Roa Duterte today, October 9, has called the Congress to a special session scheduled on October 13-16, 2020 to resume the congressional deliberations on the proposed 2021 national budget and to avoid any further delays on its prompt passage,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.