BREAKING: Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 334,770

By Dona Dominguez-Cargullo October 09, 2020 - 04:19 PM

Nakapagtala ng halos 3,000 na panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (October 9), umabot na sa 334,770 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 53,311 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 2,996 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

85.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.9 porsyento ang asymptomatic; 1.4 porsyento ang severe habang 3.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 83 naman ang dagdag na napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 6,152 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 1,045 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 275,307 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

 

 

 

TAGS: case bulletin, covid pandemic, COVID-19, covid19 cases, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, case bulletin, covid pandemic, COVID-19, covid19 cases, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.