MRT-3 magpapatupad ng partial operations sa Sabado at Linggo

Partial lamang ang magiging operasyon ng MRT-3 ngayong weekend.

Sa abiso ng MRT-3 sa halip na suspindihin ang operasyon ay magpapatupad na lamang ng partial operations sa October 10 at 11.

Ito ay para bigyang-daan ang pagsasaayos ng turnouts sa Taft Avenue Station.

Sinabi ng MRT-3 na ang biyahe ng mga tren sa Sabado at Linggo ay mula North Ave. Station hanggang Shaw Boulevard at vice versa.

Dona Dominguez-Cargullo

Excerpt:

Read more...