COVID-19 recoveries sa Quezon City 16,954 na

By Dona Dominguez-Cargullo October 09, 2020 - 02:00 PM

Umabot na sa 20,310 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos na inilabas ng QC LGU, ang nasabing bilang ay validated na ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices.

Sa 20,310 na mga kaso, 2,784 na lang ang aktibong kaso; 16,954 ang gumaling na at 572 ang nasawi.

Ayon sa QC LGU, ang mga report na lalabas linggu-linggo at kada dalawang linggo ay magpapakita ng mas komprehensibong datos at kabuuang trend ng COVID-19 sa lungsod.

Hinihikayat ang lahat ng residente na basahin at unawain ang mga report na ito upang mas maintindihan ang paliwanag sa mga kaso.

 

 

TAGS: covid cases, quezon city, covid cases, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.