KZ Tandingan at TJ Monterde ikinasal na

By Dona Dominguez-Cargullo October 09, 2020 - 12:40 PM

Ikinasal na si KZ Tandingan at kaniyang boyfriend na si TJ Monterde.

Naganap ang kasal noon pang August 28, pero kagabi lamang kinumpirma ni KZ at ibinahagi ang ilang larawan.

Ayon kay KZ ginanap ang kasal sa ilalim ng 300 year old nang puno ng mangga.

Hindi umano nila inaasahan na maitutuloy ang pagpapakasal lalo pa at hindi nakabiyahe papuntang Manila ang mga kaanak nilang nasa Mindanao.

Pero nakadalo sa selebrasyon ang mga ito sa pamamagitan ng zoom.

At dahil hindi naihatid si KZ ng kaniyang magulang sa altar ay ang singer na si Martin Nievera na lamang ang gumawa nito para sa kaniya.

 

 

 

 

 

TAGS: Inquirer News, KZ Tandingan, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, TJ Monterde, Inquirer News, KZ Tandingan, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, TJ Monterde

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.