Resolusyon upang muling buksan ang sesyon ng Kamara umiikot na ngayon sa mga kongresista

By Erwin Aguilon October 09, 2020 - 12:20 PM

Nagpapaikot na ng resolusyon ang mga kongresista para sa muling pagbabalik ng sesyon sa mga susunod na araw.

Ayon kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, ang muling pagbubukas ng kanilang sesyon sa ang “tanging paraan” upang maaprubahan on time ang 2021 proposed budget.

Marami pa kasi aniyang mga kagawaran at ahensya ng pamahalaan ang hindi pa napagdedebatehan ang pondo para sa susunod na taon.

Iginiit ni Velasco na maari naman aniyang hilingin ng Kamara sa Senado na mapalawig ang kanilang session days hanggang sa matapos at maaprubahan sa ikatlong pagbasa ang budget upang sa gayon ay matiyak na walang delays dito.

Handa naman kasi aniya silang mga kongresista na magtrabaho kahit sa weekdays matapos lamang on time ang deliberasyon at maaprubahan ang panukalang pondo ng sakto sa oras.

Pahayag ito ni Velasco isang araw matapos na magbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na ayusin ng Kamara ang budget process at tiyakin na ito ay ligal at naayon sa itinatakda ng Saligang Batas.

Magugunita na noong Martes, Oktubre 6, ay nag-mosyon si Speaker Alan Peter Cayetano para sa termination ng plenary debates sa 2021 proposed P4.5-trillion national budget para aprubahan ito sa ikalawang pagbasa, na nagresulta naman sa maagang suspensyon ng kanilang plenary session na tatagal ng hanggang Nobyembre 16.

 

 

 

 

TAGS: House of Representatives, house session, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, speakership, Tagalog breaking news, tagalog news website, House of Representatives, house session, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, speakership, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.