Pangulong Duterte galit na sa sigalot sa Kamara

By Erwin Aguilon October 09, 2020 - 12:05 PM

Iginiit ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na “galit” si Pangulong Rodrigo Duterte sa nangyayari sa mababang kapulungan ng Kongreso.

Sabi ni Velasco na nakita niya ang galit ng Pangulo dahil “nadenggoy” silang dalawa sa issue sa term-sharing agreement noong Lunes nang magkita sila ng pangulo.

Ito ay matapos na tumayo sa plenaryo si Speaker Alan Peter Cayetano noong nakaraang linggo para ialok ang kanyang resignation bilang lider ng Kamara, bagay na tinanggihan ng 184 na kongresista.

Sinabi ani Velasco sa kanya ni Pangulong Duterte na dalawa na silang napapahiya sa mga kaganapan na ito.

Sa katunayan, sinabi ni Velasco na sa pulong nila sa Malacañang noong Setyembre 29 kasama ang kampo ni Cayetano ay hiniling mismo ni Pangulong Duterte na sa Oktubre 14 pa ito magbibitiw bilang House Speaker.

Ito ay bilang paggalang na rin sana aniya sa “gentlemans’ agreement” na binuo mismo ni Pangulong Duterte.

 

 

TAGS: House of Representatives, House Speakership, Inquirer News, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, House of Representatives, House Speakership, Inquirer News, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.