Ayon kay Velasco, ipinahamak ng napaagang suspension ng plenary debate noong Martes ang ilan sa mga mahahalagang panukalang batas, partikular na ang panukalang pambasang pondo para sa susunod na taon.
Hindi kasi aniya nasunod ang kabuuan ng budget process nang aprubahan sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang P4.5-Trillion proposed 2021 national budget noong Martes.
Sinabi ng kongresista na panahon na ngayon para isantabi ang pagkakaiba sa politika lalo pa at nahaharap pa rin sa pandemya ang Pilipinas.
Ang issue sa budget anya ay mas malaking laban kaysa speakership post sa pagutan nila ni Speaker Alan Peter Cayetano.
Ang pagho-hostage aniya sa budget at pag-blackmail sa ehekutibo para lamang sa ambisyon ng iisang tao ay disservice sa sambayanang Pilipino.