Pangulong Duterte ayaw masisi kung hindi maipapasa ang budget kaya balak ng makialam sa gusot sa speakership sa Kamara
Ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na maalala ng taong bayan na mabaho at magulo ang kanyang administrasyon kung kaya umeksena na sa sigalot sa speakership sa pagitan nina speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Congressman Lord Allan Velasco.
Ayon sa pangulo, hindi naman ang pangalan nina Cayetano o Velasco ang sisihin, kundi ang pangalang Duterte kapag hindi naging maganda ang pagpapatakbo sa gobyerno.
Dismayado na ang pangulo na dahil sa bangayan nina Velasco at Cayetano sa pagka-speaker, nasasakripisyo na ang pagpasa sa national budget.
Ayon sa pangulo, namamatay na ang mga tao, marami na rin ang nagkakasakit dahil sa COVID 19, nangangailangan ang taong bayan ng gamot pero ang pinag-aawayan ng dalawa ay ang speakership.
Babala ng pangulo, marami na silang nilabag na constitutional provisions pero hindi na niya ito iisa-isahin dah hindi naman ito away legal.
Kaya pakiusap ng pangulo, ayusin ang problema sa kamara dahil kung hindi siya na ang reresolba sa kanilang problema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.