Pag-apruba sa 2021 P4.5T national budget hindi made-delay ayon kay Speaker Cayetano

By Erwin Aguilon October 09, 2020 - 11:05 AM

Siniguro ni House Speaker Alan Peter Cayetano na aaprubahan nila on time ang 2021 proposed P4.5-trillion national budget at ligal ang proseso na kanilang sinusunod.

Pahayag ito ni Cayetano kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi sa gitna ng girian sa isyu ng speakership.

Bukas din aniya siya sa apela ng Pangulo na ihinto na ang pamumulitika dahil inilalagay lamang nito sa peligro ang kapakanan ng publiko lalo na ngayon sa gitna ng pandemya.

Kasabay nito ay muling humingi ng paumanhin si Cayetano sa Pangulo at sa sambayanang Pilipino dahil sa anxiety na kanilang idinulot sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon.

Sinabi ni Cayetano na sa Nobyembre 5 ay isusumite na nila sa Senado ang printed copy ng 2021 General Appropriations Bill upang sa gayon ay maipagpatuloy na rin ng mataas na kapulungan ang kanilang mga pagdinig.

Mas maaga ito bago ang formal transmittal ng GAB sa Nobyembre 16 pagkatapos nilang mapagbotohan ito sa ikatlo at huling pagbasa.

Siniguro din nito na Ang pondong kanilang tinatalakay ay tutugon sa epekto ng public health crisis at para sa hinaharap ng bansa.

 

TAGS: Alan Peter Cayetano, Budget, House Speakership, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Alan Peter Cayetano, Budget, House Speakership, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.