Singil sa kuryente ng Meralco tataas ngayong buwan

By Dona Dominguez-Cargullo October 09, 2020 - 10:50 AM

INQUIRER FILE PHOTO/RAFFY LERMA

May bahagyang pagtaas sa singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan ng Oktubre.

Ayon sa Meralco, tataas ng P0.12/kwh ang singil sa October 2020 bill bunsod ng pagtaas ng Generation Charge.

Simula noong Mayo ngayon lamang muli nagkaroon ng pagtaas sa overall rate ng Meralco.

Dahil sa bahagyang pagtaas sa singil sa kuryente ang mga consumer na kumokonsumo ng 200 kilowatt hour ay may dagdag na P24 sa kanilang bill.

Sa mga kumokonsumo naman ng 300 kilowatt hour ay P36 ang dagdag sa bill.

P48 naman ang dagdag kung ang konsumo ay 400 kilowatt hour at P60 ang dagdag ang konsumo ay 500 kilowatt hour.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Meralco, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, power rate hike, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Meralco, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, power rate hike, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.