CA Justice Ricardo Rosario itinalagang bagong mahistrado sa Korte Suprema

May itinalaga nang bagong mahistrado sa Korte Supreme si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sa katauhan ni Court of Appeals Associate Justice Ricardo Rosario.

Kinumpirma ito mismo ni Rosario bagaman wala pang opisyal na anunsyo mula sa Malakanyang.

Sa Oct. 15 ipagdiriwang ni Rosario ang kaniyang ika 62 Kaarawan.

Maninilbihan si Rosario sa SC hanggang sa taong 2028.

Read more...