Tanyag na theme park sa Laguna na Enchanted Kingdom magbubukas muli ngayong buwan

Target ng pamunuan ng Enchanted Kingdom na muling buksan sa publiko ang theme park ngayong buwan ng Oktubre.

Sa mga ibinahaging larawan sa Facebook page ng Enchanted Kingdom kamakailan ay nagsagawa ng inspeksyon sa theme park ang mga kinatawan mula sa Department of Tourism (DOT) at si Santa Rosa, Laguna Mayor Arlene B. Arcillas.

Ipinakita ng Enchanted Kingdom ang mga health protocols na paiiralin sa sandaling magbalik sila sa operasyon.

Kabilang sa mga pagbabago ay ang pagbabawal nang mayroong magkatabi sa mga rides.

Naglagay din ng mga hand washing stations at lahat ng papasok ay idadaan sa health protocols.

Nilagyan na din ng markings ang pila para sa bilihan ng tickets.

Ang mga kainan naman ay nilagyan din ng markings at mga harang.

 

Excerpt:

 

Read more...