Global cases ng COVID-19 mahigit 36.7 million na
Umabot na sa mahigit 36.7 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Biyernes (Oct. 9) ay 36,734,559 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 344,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 54,000 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 70,800 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapagtala lang ng dagdag na 27,000 na mga kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 7,831,371
India – 6,903,806
Brazil – 5,029,539
Russia – 1,260,112
Colombia – 886,179
Spain – 884,381
Argentina – 856,369
Peru – 838,614
Mexico – 799,188
South Africa – 686,891
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.