Mahigit 200 pamilya inilakas sa Lucena City

By Dona Dominguez-Cargullo October 09, 2020 - 08:15 AM

Umabot na sa mahigit 200 pamilya ang inilikas sa Lucena City dahil sa naranasang pagbaha doon bunsod ng magdamag na pag-ulan na dulot ng Habagat.

Ayon kay Lucena City Disaster Risk Reduction and Management Office officer Janeth Gendrano, simula kagabi ay umabot na sa 225 na pamilya ang pansamantalang dinala sa mga evacuation center.

Ito ay makaraang tumaas ang tubig baha sa Barangay Market View sa lungsod.

Umapaw kasi ang tubig sa Dumaaca River.

Ngayong umaga, sinabi ni Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office officer Mhel Avenilla na unti-unti nang humupa ang tubig-baha sa mga apektadong lugar.

 

 

 

 

TAGS: flashflood, habagat, Inquirer News, LPA, Lucena City, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, flashflood, habagat, Inquirer News, LPA, Lucena City, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.