Yellow rainfall warning nakataas pa rin sa Laguna at Quezon
Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning ng PAGASA sa mga lalawigan sa Southern Luzon.
Dahil ito sa nararanasang malakas at patuloy na pag-ulan na dulot ng Low Pressure Area at Habagat.
Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 8:00 ngayong umaga ng Biyernes, October 9, yellow warning ang umiiral sa Laguna at Quezon.
Babala ng PAGASA, maaaring makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar.
Ayon sa PAGASA mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan,at Pampanga sa susunod na mga oras.
Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Batangas at Rzal.
Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 11:00 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.