McDonald’s, may abiso kontra sa mga pulitikong umaangkin ng kanilang promo

By Kathleen Betina Aenlle March 11, 2016 - 04:31 AM

 

Mula sa FB

Naglabas ng paalala ang fast-food giant na McDonald’s Philippines sa publiko na sa kanila lang ang promo na National Breakfast Day kung saan namimigay sila ng libreng “McMuffins.”

Kasama ng paalala nito ay ang litrato ng isang Facebook post ng isang Ferdie Marco na tumatakbong konsehal sa Marikina City.

Sa nasabing post, sinabi ni Marco na manli-libre siya ng “McMuffins” sa mga tao bilang paalmusal sa publiko sa March 14, kung kailan gaganapin ng McDonald’s ang kanilang promo na National Breakfast Day.

“Dahil mahal ko kayo LIBRE ko kayo ng mc muffin sa mc donalds sa March 14, 2016 basta simula 6 am hanggang 7 am sagot ko mc muffins nyo sa lahat ng mcdo outlet sa buong Pilipinas… Sabihin nyo lang pangalan ko… ganyan ko kayo kamahal… save the date! Kita kits tayo para sa libre kong paalmusal… 6 to 7 am lang ha… agahan nyo mga ka fb!” sabi ni Marco sa kaniyang post na na-screenshot at ngayo’y hindi na makita sa kaniyang Facebook page.

Ang kaniyang post ay may photo collage kung saan makikita ang kaniyang litrato na may backdrop na Liberal Party Logo, kasama ng logo ng McDonald’s at ng graphic ng “free McMuffin” nito.

Kaya naman nilinaw ng McDonald’s na ang kanilang “National Breakfast Day” event ay kanilang sariling inisyatiba at hindi ito sponsored ng anumang organisasyon o ninumang indibidwal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.