Malaking bahagi ng bansa uulanin pa rin ngayong araw dahil sa LPA at Habagat

By Dona Dominguez-Cargullo October 09, 2020 - 05:42 AM


Patuloy na makararanas ng papg-ulan ngayong araw ang malaking bahagi ng bansa dahil sa Low Pressure Area (LPA) at Habagat.

Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa layong 310 km West Northwest ng Coron, Palawan.

Dahil sa LPA, makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga.

Ayon sa PAGASA, nasa West Philippine Sea na ang LPA at kung magiging ganap itong bagyo ay maaring palabas na o ‘di kaya ay nakalabas na ng bansa.

Localized thunderstorm naman ang iiral at makararanas lamang ng isolated na pag-ulan sa Davao Region, SOCCSKSARGEN, at BARMM.

Habang apektado naman ng Northeasterly Surface Windflow ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Cagayan Valley.

Ayon sa PAGASA, hanggang sa weekend ay makararanas pa rin ng pag-ulan dahil sa Habagat at sa Lunes pa inaasahang gaganda ang panahon sa Metro Manila.

 

 

 

 

TAGS: habagat, Inquirer News, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, habagat, Inquirer News, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.