Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, 6,296 na
Nadagdagan pa ang bilang n kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).
Sa huling datos mula sa PNP (Huwebes, October 8, 6PM) 6,296 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.
Sa nasabing bilang ay mayroong 5,367 na pulis na nakarecover o gumaling na sa sakit kung saan nakapagtala ng 23 na bagong recoveries.
Ang COVID-19 active cases naman ay 909.
Samantala, ang COVID-19 related deaths ay nadagdagan ng 1 kaya umabot na ito sa 20.
Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.