Japanese na nasa kustodiya ng NBI, nagbigti

By Kathleen Betina Aenlle March 11, 2016 - 04:27 AM

 

NBIIginiit ng National Bureau of Investigation o NBI na nagpatiwakal ang Japanese national na una na nasa kanilang kustodiya matapos maaresto sa kasong human trafficking.

Ayon kay NBI Director Virgilio Mendez, una nang inaresto ang nasabing Japanese sa condominium nito sa Taguig City dahil sa pag-ooperate ng isang prostitution at child pornography racket sa internet noong Martes.

Gayunman, ilang oras pa lamang ang nakalilipas, natagpuan nang patay ang Hapones dakong alas 3:00 ng madaling-araw.

Diumano, gumamit ng kable ng exhaust fan na nasa loob ng kanyang detention cell ang detainee sa kanyang pagbibigti.

Bagama’t nadala pa sa Philippine General Hospital ay idineklara nang patay ang biktima.

Hiniling naman ng Japanese Embassy sa NBI na huwag munang isiwalat ang pangalan ng 55-anyos na detainee habang biniberipika pa ang tunay na pangalan nito.

Ang suspek ay inaakusahang gumagamit ng mga menor de edad sa kanyang iligal na cyberprostitution operations.

Nang madakip, apat na kababaihan na pawang menor de edad ang nasagip sa condominium nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.