Bilang ng active cases sa Mandaluyong City nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lungsod ng Mandaluyong.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department (Huwebes, October 8, 4:36 PM), umabot na sa 479 ang bilang ng active cases sa lungsod kung saan nakapagtala ng 54 bagong kaso.

Ang bilang naman ng mga gumaling na o naka-recover na ay 4,379 kung saan 22 ang bagong naitala.

Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay nanatili sa 153.

Umabot naman na sa 5,011 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Ang bilang ng probable ay 12 habang 1,326 naman ang suspected cases.

Read more...