Cataingan, Masbate niyanig ng magnitude 3.2 na lindol
By Mary Rose Cabrales October 08, 2020 - 07:32 PM
Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Masbate.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 28 kilometers southeast ng bayan ng Cataingan, alas-7:00 gabi ng Huwebes(October 8).
May lalim na 19 kilometers at tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 6.6 na lindol sa lugar noong August 18.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.