Pangulong Duterte aakuin na ang pag-aayos sa national budget kung hindi pa maayos ang gusot sa kongreso


Napuno na si Pangulong Rodrigo Duterte sa bangayan sa speakership sa Kamara sa pagitan nina Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Congressman Lord Allan Velasco dahil nasasakripisyo ang pagpasa sa 2021 national budget na aabot sa P4.5 trilyon.

Sa surprised address to the people ngayong gabi, sinabi ng Pangulo ba kung hindi pa mareresolba ang problema sa budget, siya na ang gagawa ng kaukulang hakbang.

“Gusto ko lang in one straight statement: either you resolve the issue sa impasse ninyo diyan and pass the budget legally and constitutionally, kapag hindi ninyo ginawa, ako ang gagawa para sa inyo,” pahayag ng Pangulo.

Hindi naman tinukoy ng Pangulo kung anong mga hakbang ang kanyang gagawin para maipasa sa tamang oras ang budget.

“Hindi ako nananakot. Wala akong ambisyong manakot. Wala din akong ambisyong magtagal sa pwestong putanginang ito na puro problema. Wala akong hangarin. Basta sinasabi ko lang, if you do not solve the problem, Then i will solve the problem for you. Mamili kayo, either we have positive development na maligayahan ang tao, ‘yung amo natin,” pahayag ng Pangulo.

Makailang beses nang sinabi ng Malakanyang na hindi katanggap-tanggap kay Pangulong Duterte ang reenacted budget.

Kinakailangan na maipasa ang 2021 budget dahil nakasalalay roon ang rehabilitation at recovery plan ng pamahalaan sa COVID-19.

Read more...