Oposisyon sa Kamara ipagpapatuloy ang pagbusisi sa pondo ng bawat ahensya ng gobyerno

By Erwin Aguilon October 08, 2020 - 06:42 PM

Ipagpapatuloy ng oposisyon sa Kamara ang pagbusisi sa pondo ng bawat ahensya ng gobyerno upang matiyak na may accountability at magugol ng wasto ang budget.

Sa statement na inilabas ng minorya na nilagdaan ng 19 na kongresista, sinabi ng mga ito na magsasagawa sila ng parallel budget deliberation salig na rin sa kanilang mandato bilang mga halal na kinatawan ng mga Pilipino.

Posibleng sa Lunes ay masimulan na ng Minority Bloc ang video-conferencing sa deliberasyon sa budget ng natitirang 14 na mga malalaking ahensyang na hindi naisalang sa plenaryo.

Tiniyak din ng oposisyon na magiging bukas sa publiko ang kanilang budget deliberation at igigiit ng grupo ang kanilang mga pagamyenda at rekomendasyon sa pambansang pondo.

Pahayag ito ng minority bloc matapos ipatigil ang budget deliberation sa plenaryo at aprubahan sa ikalawang pagbasa ang P4.5 Trillion na 2021 national budget.

TAGS: Kamara, minority bloc, pondo, Kamara, minority bloc, pondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.