Malakanyang binati si Duque matapos mahalal bilang chairman ng World Health organization Regional Committee for the Western-Pacific

By Chona Yu October 08, 2020 - 03:58 PM

Nagpaabot ng mainit na pagbati ang Palasyo ng Malakanyang kay Health Secretary Francisco Duque III.

Ito ay matapos mahalal si Duque bilang chairman ng World Health organization Regional Committee for the Western-Pacific.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, patunay ito na nagtitiwala ang WHO sa kakayahan ni Duque.

“Our congratulations to Secretary Duque, my classmate in the Cabinet, at ito po ay nagpapatunay na nagtitiwala po ang WHO sa kakayahan ni Secretary Duque,” pahayag ni Roque.

Patunay aniya ito na kinikilala ng WHO ang epektibong pagtugon ng pamahalaan sa Covid 19.

“Siguro po kinikilala natin na sa region talagang ang response natin sa Covid ay mukha naman pong epektibo at naniniwala po ang WHO na tama ang mga hakbang na ginagawa natin para labanan ang Covid-19 habang wala pang bakuna, habang wala pang gamot,” pahayag ni Roque.

Unopposed o nagkakaisa ang 37 member states sa pagboto kay Duque sa naturang pwesto.

Uupo sa puwesto si Duque sa loob ng isang taon.

 

 

 

 

 

TAGS: ‘Grit+Glam’ fashion show, World Health organization Regional Committee for the Western-Pacific, ‘Grit+Glam’ fashion show, World Health organization Regional Committee for the Western-Pacific

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.