Commuter group inihirit ang pagkakaroon ng dagdag na supplier ng Beep card

By Dona Dominguez-Cargullo October 08, 2020 - 03:29 PM

Hinimok ng grupo ng mga commuter ang Department of Transportation (DOTr) na maghanap ng iba pang supplier ng beep card para maserbisyuhan ang maraming pasahero na sumasakay ng bus.

Ayon sa Founder at Pangulo ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na si Atty. Ariel Inton, hindi sapat ang 125,000 na pirasong beep card para sa libu-libong pasahero na sumasakay araw-araw.

Apela ni Inton, maghanap ng ibang beep card provider ang DOTr upang madagdagan ang card na magagamit ng mga pasahero.

Iminungkahi din nila ang paggamit ng QR code kapalit ng beep card, para sa mga single journey system para wala ng card na binabayaran.

Ngunit kung card naman daw ang gagamitin, ay maaaring maglagay ng advertisement na ilalagay sa card para ito ang gagastusin sa paggawa ng beep card.

Tutol din ang grupo na balikatin ng gobyerno ang gastos sa pagpapagawa ng card, dahil kukunin din sa buwis ng taumbayan ang gagamitin para dito.

Umapela si Inton, na sana ay manaig ang kapakanan ng Pilipinong pasahero at hindi ang monopolyong pagnenegosyo.

TAGS: ariel inton, beep card, commuter group, dotr, ariel inton, beep card, commuter group, dotr

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.